A theme of the age, at least in the developed world, is that people crave silence and can find none. The roar of traffic, the ceaseless beep of phones, digital announcements in buses and trains, TV sets blaring even in empty offices, are an endless battery and distraction. The human race is exhausting itself with noise and longs for its opposite—whether in the wilds, on the wide ocean or in some retreat dedicated to stillness and concentration. Alain Corbin, a history professor, writes from his refuge in the Sorbonne, and Erling Kagge, a Norwegian explorer, from his memories of the wastes of Antarctica, where both have tried to escape.
And yet, as Mr Corbin points out in "A History of Silence", there is probably no more noise than there used to be. Before pneumatic tyres, city streets were full of the deafening clang of metal-rimmed wheels and horseshoes on stone. Before voluntary isolation on mobile phones, buses and trains rang with conversation. Newspaper-sellers did not leave their wares in a mute pile, but advertised them at top volume, as did vendors of cherries, violets and fresh mackerel. The theatre and the opera were a chaos of huzzahs and barracking. Even in the countryside, peasants sang as they drudged. They don’t sing now.
What has changed is not so much the level of noise, which previous centuries also complained about, but the level of distraction, which occupies the space that silence might invade. There looms another paradox, because when it does invade—in the depths of a pine forest, in the naked desert, in a suddenly vacated room—it often proves unnerving rather than welcome. Dread creeps in; the ear instinctively fastens on anything, whether fire-hiss or bird call or susurrus of leaves, that will save it from this unknown emptiness. People want silence, but not that much. | Sa panahon ngayon, ang mga tao lalo na sa mga mauunlad na bansa ay nag-aasam ng katahimikan ngunit hindi ito masumpungan. Ang ingay ng trapiko, ang walang katapusang pagtunog ng mga telepono, ang mga anunsyong digital sa mga bus at tren, ang mga telebisyong tuloy ang pag-iingay kahit sa mga walang taong opisina ay mga tuluyang pambubugbog at kaguluhan. Pinapagod ng sangkatauhan ang sarili nito sa mga ingay habang naghahanap ng katahimikan―mapasa kagubatan, sa malawak na karagatan o saanmang lugar na nakalaan sa kapanatagan at konsentrasyon. Ang propesor ng kasaysayan na si Alain Corbin na sumulat mula sa kanyang kublihan sa Sorbonne at ang Norwegang mananaliksik na si Erling Kagge na sumulat mula sa kanyang mga alaala ng mga kaparangan ng Antarctica ay parehong nagtangkang tumakas papunta sa kani-kanilang mga tinubuan. Gayun pa man, tulad ng tiniyak ni G. Corbin sa “A History of Silence,” marahil ay wala nang mas maraming ingay tulad ng mayroon ngayon. Bago ang mga gomang gulong, ang mga kalsada sa siyudad ay punô ng nakabibinging tunog ng mga gulong na bakal at mga bakal ng kabayo sa mga kalsadang bato. Bago ang kusang pagsasarili sa kani-kaniyang mga selfon, ang mga bus at tren ay punô ng mga pag-uusap. Ang mga nagtitinda ng dyaryo ay hindi iniiwan ang kanilang mga paninda bilang mga piping tambak ng papel, sa halip ay buong lakas na isinisigaw ang paglalako ng mga iyon tulad ng ginagawa ng mga tindero ng mga prutas, bulaklak, at isda. Ang teatro at ang opera ay magugulong hiyawan at kutsaan. Maging sa mga probinsya, ang mga probinsyano ay umaawit sa kanilang pagkayod. Hindi na sila umaawit ngayon. Ang nagbago ay hindi ang lakas ng ingay na siyang inireklamo rin ng mga nakaraang siglo, kundi ang antas ng kaguluhan na nasa lugar na maaari sanang pasukin ng katahimikan. At diyan sumisilip ang isa pang kabalintunaan dahil kapag ito ang pumasok―sa kalaliman ng gubat, sa hubad na disyerto, sa biglang nilisang silid―ito ay kadalasang nagpapatunay na nakababahala sa halip na katanggap-tanggap. Ang lagim ay unti-unting gumagapang; ang pandinig ay sadyang kakabit sa kahit ano, mapasa pagtupok ng apoy o huni ng ibon o maging sa kaluskos ng mga dahon, na magliligtas dito mula sa di kilalang kawalang ito. Gusto ng mga tao ng katahimikan ngunit hindi naman gaano. |